Ayon sa Dasmariñas City Police kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint na “Oplan Sita” sa Barangay Salawag, nakita nila ang tatlong kahinahinalang mga lalake na lulan ng puting taxi, at walang plaka dakong 12:30 ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, sa halip na tumigil ay matulin itong pinatakbo ng driver ng taxi at pinaputukan ang mga awtoridad at naging dahilan upang gumanti sila ng pagpapaputok ng baril.

Sugatan ang dalawang lalaki at agad na dinala sa Dasmarinas Hospital upang lapatan ng lunas. Habang nagpapagaling naman sina Rusco at Sultan, at si Macunay ay agad na binawian ng buhay.

Kabilang sa mga nasabat na kagamitan sa mga suspek ang isang fragmentation hand grenade, isang cal. 38 na may apat na live na bala, dalawang cal. 45s na may 18 live na bala, dalawang sachet na hinihinalang shabu, isang sachet na hinihinalang marijuana at isang itim na helmet.

Source: Proud Caviteño

📸: Dasmariñas CPS

#Cavithink

#SalawagDasmariñas